Skip to content
Official DepEd Caraga website
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐š๐ง, ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง
Feature
Features

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐š๐ง, ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ง

Mar 4, 2025 - 1 minute read

๐‘๐‘–: ๐ธ๐‘ข๐‘”๐‘’๐‘›๐‘’ ๐ฟ. ๐‘€๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘ก๐‘’ ๐‘†๐‘ก๐‘ข๐‘‘๐‘’๐‘›๐‘ก, ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘…๐‘œ๐‘ž๐‘ข๐‘’ ๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘›๐‘Ž๐‘™ ๐ป๐‘–๐‘”โ„Ž ๐‘†๐‘โ„Ž๐‘œ๐‘œ๐‘™ ๐‘†๐‘ข๐‘Ÿ๐‘–๐‘”๐‘Ž๐‘œ ๐‘‘๐‘’๐‘™ ๐‘†๐‘ข๐‘Ÿ ๐ท๐‘–๐‘ฃ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘› Tuwing sumasapit ang Pebrero, agad na pumapasok sa ating isipan ang Araw ng mga Puso, isang okasyong nagdiriwang ng pag-ibig sa lahat ng anyong ito. Sa ika-labing apat ng buwan, naglipana ang mga tsokolate at...

๐‘๐‘–: ๐ธ๐‘ข๐‘”๐‘’๐‘›๐‘’ ๐ฟ. ๐‘€๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘ก๐‘’
๐‘†๐‘ก๐‘ข๐‘‘๐‘’๐‘›๐‘ก, ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘…๐‘œ๐‘ž๐‘ข๐‘’ ๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘›๐‘Ž๐‘™ ๐ป๐‘–๐‘”โ„Ž ๐‘†๐‘โ„Ž๐‘œ๐‘œ๐‘™
๐‘†๐‘ข๐‘Ÿ๐‘–๐‘”๐‘Ž๐‘œ ๐‘‘๐‘’๐‘™ ๐‘†๐‘ข๐‘Ÿ ๐ท๐‘–๐‘ฃ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘›
Tuwing sumasapit ang Pebrero, agad na pumapasok sa ating isipan ang Araw ng mga Puso, isang okasyong nagdiriwang ng pag-ibig sa lahat ng anyong ito. Sa ika-labing apat ng buwan, naglipana ang mga tsokolate at bulaklak, kasabay ng matatamis na ngiti at pusong animoโ€™y lumulutang sa alapaap. Ngunit sa kabila ng matamis at kilig na damdaming hatid ng buwan ng Pebrero, isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan ang hindi natin dapat ipagsawalang-bahala: ang ๐—˜๐——๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ ๐—ฃ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป.
Ang ๐‘ฌ๐’‘๐’Š๐’‡๐’‚๐’๐’Š๐’ ๐’…๐’† ๐’๐’๐’” ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’๐’” ๐‘จ๐’—๐’†๐’๐’–๐’† (EDSA) People Power Revolution ay naganap noong ๐๐ž๐›๐ซ๐ž๐ซ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ–๐Ÿ”. Sa loob ng tatlong araw, milyon-milyong Pilipino, mula sa mga sibilyan, politiko, sundalo, at maging mga relihiyosong grupo, ang nagbuklod-buklod upang ipahayag ang kanilang mariing pagtutol laban sa diktadurya ni dating pangulong ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฟ. Hindi lamang ito simpleng protesta; ito ay isang makasaysayang paninindigan upang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas matapos ang mahigit dalawang dekadang paghahari ng rehimeng Marcos.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ipinatupad ang ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„ noong ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ•๐Ÿ sa bisa ng ๐๐ซ๐จ๐ค๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ฅ๐ . ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ–๐Ÿ, na naging mitsa ng pagkawala ng ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ng mga Pilipino. Nagsara ang mga pahayagan, inaresto ang mga kritiko ng gobyerno, at ipinataw ang isang mapanlinlang na rehimen.
Sa ilalim ng Batas Militar, maraming Pilipino ang ๐’๐’Š๐’š๐’–๐’“๐’‚๐’Œ๐’‚๐’ ang ๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’‘๐’‚๐’•๐’‚๐’ dahil sa sapilitang pag-gawa, tinortyur, ilegal na inaresto, at pinaslang. Tinatayang nasa ๐Ÿ•๐ŸŽ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ang ipiniit, ๐Ÿ๐Ÿ,๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ‘ ang biktima ng pang-aabuso, at hindi mabilang ang mga buhay na naibuwis dahil lamang sa pagnanais nilang ipaglaban ang kanilang kalayaan. Bukod pa rito, nasangkot si Marcos sa malawakang korapsyon at pandarambong sa kaban ng ating bayan. Sa kabila ng mga ulat hinggil sa umanoโ€™y kaunlarang idinulot ng kanyang panunungkulan, hindi maitatangging higit na nalugmok ang Pilipinas sa ilalim ng kanyang mapanupil na pamamahala.
Sa gitna ng dilim, isinilang ang isang mapayapang rebolusyon, ang EDSA People Power Revolution. Sa pangunahing lansangan ng EDSA, bumaha ang libu-libang Pilipino, tangan lamang ang kanilang nagkakaisang boses at pananampalataya sa katarungan. ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ, ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ก๐š๐ฌ, tanging pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan ang naging kanilang sandata upang mapatalsik ang ๐๐ข๐ค๐ญ๐š๐๐จ๐ซ. Sa loob ng tatlong araw, isang himala ang nasaksihan ng buong mundoโ€”isang rebolusyong hindi idinaan sa madugong laban kundi sa pagkakapit-bisig ng sambayanang Pilipino.
Noong Pebrero 25, taong 1986, tuluyang natapos ang mahigit dalawampung taong paghahari ng rehimeng Marcos sa ating bansa. Subalit bago pa man umusbong ang mapayapang pag-aalsang ito, marami nang buhay ang naialay para sa adhikain ng kalayaan. Mga Pilipinong may nasyonalismo na nararapat nating bigyan ng saludo dahil hindi sila tuliro ang isip at handang isakripisyo ang kanilang buhay mapatigil lamang ang diktadorya ni Marcos at upang ipaglaban ang kinabukasan ng ating bayan.
Ngayon, isang tanong ang dapat nating pagnilayan: Ano nga ba ang halaga ng EDSA People Power Revolution sa atin bilang mga Pilipino? Kung ikaw kaya ang isa sa mga lumaban noon, paano mo ipaglalaban ang kalayaang matagal nang ipinaglaban para sa iyo?
Ang sagot ay isang matibay at walang alinlangan na paghiyaw ng malakas sa salitang ๐Ž๐Ž. Dapat nating patuloy na gunitain ang makasaysayang araw na ito. Ang EDSA People Power Revolution ay hindi lamang isang pahina sa ating aklat ng kasaysayan; ito ay isang pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang mga ipinagmamalaking Pilipino. Isang paalala na tayong lahat ay may kakayahang tumindig laban sa paniniil, at sa ating pagkakaisa, may lakas tayong buwagin ang anumang anyo ng pang-aapi.
Bilang isang ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  at isang ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, nakikita ko bilang isang responsibilidad ang pagpapanatili ng apoy ng kasaysayan sa isipan ng ating henerasyon. Huwag nating hayaan na itoโ€™y malimutan, lalo na ng mga kabataang siyang magpapatuloy ng ating hinaharap. Kung paanong bawat tiktik ng ating puso ay nagpapahayag ng buhay, gayundin sana natin ipaglaban ang alaala ng EDSAโ€”isang alaala ng pagkakaisa, tapang, at pagmamahal sa bayan.
Mga kabataan, isang hamon para sa ating lahat na huwag nating hayaang ibaon sa limot ang ating nakaraan. Ipaglaban natin ang katotohanan; ipaglaban natin ang ating kalayaan. Ang ating kasaysayan ay hindi lamang dapat manatili sa mga pahina ng aklat na mabibigyan lamang ng pansin o maalala tuwing nasa klase; dapat nating ipamana sa susunod na henerasyon. Sapagkat ang ating nakaraan ay ang ating pagkakakilanlanโ€”isang pagkakakilanlang hindi kailanman dapat maglaho sa ating mga pusoโ€™t isipan bilang ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ.

Related posts