Skip to content
Official DepEd Caraga website
PAHAYAG: 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨
Press Release
Press Releases

PAHAYAG: 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨

Aug 7, 2024 - 1 minute read

𝐵𝑢𝑡𝑢𝑎𝑛 𝐶𝑖𝑡𝑦, 𝐴𝑔𝑜𝑠𝑡𝑜 7, 2024 – 𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨, 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝) 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚, 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐢 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐈𝐧𝐞𝐬 𝐂. 𝐀𝐬𝐮𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐂𝐄𝐒𝐎 𝐈𝐕, 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐭𝐞𝐦𝐚𝐧𝐠 "𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲...

𝐵𝑢𝑡𝑢𝑎𝑛 𝐶𝑖𝑡𝑦, 𝐴𝑔𝑜𝑠𝑡𝑜 7, 2024 – 𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨, 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝) 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚, 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐢 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐈𝐧𝐞𝐬 𝐂. 𝐀𝐬𝐮𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐂𝐄𝐒𝐎 𝐈𝐕, 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐭𝐞𝐦𝐚𝐧𝐠 "𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧; 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐢𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐢𝐧" 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟒.
Layunin ng selebrasyong ito na itaguyod at patatagin ang edukasyon ng mga katutubo, kasabay ng pagpapaigting sa kanilang pangkulturang integridad. Mahalaga ito upang mabigyan ang mga susunod na henerasyon ng malalim na pag-unawa at pagmamalaki sa kanilang kultura at tradisyon.
Inanyahan po ng pamunuan ng DepEd Caraga ang lahat ng paaralan at komunidad na makibahagi sa iba’t ibang gawain na nag pagpapahalaga sa kultura ng mga katutubo. Maaring isagawa ang mga aktibidad tulad ng mga talakayan, palabas-kultural, at pagsasanay upang bigyang-diin ang katutubong edukasyon at ang papel nito sa pagpapanatili ng kanilang identidad.
Ang DepEd Caraga ay naniniwala na ang edukasyon ay kasangkapan sa pagkakapantay-pantay, pag-unlad, at pangmatagalang kapayapaan sa ating lipunan.
Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at suporta, ating maisusulong ang isang makabuluhang pagbabago para sa ating mga katutubo, tungo sa mas maliwanag at mas makulay na kinabukasan.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa DepEd Caraga Public Affairs Unit sa mga numerong ito: (085) 221-1151; 0961-737-08-73; 0977-739-44-53. Website: www.caraga.deped.gov.ph; email: caraga@deped.gov.ph; pau_caraga@deped.gov.ph
𝐄𝐍𝐃

Related posts