LAPIS
Apr 26, 2024 - 1 minute read
๐๐: ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐ข๐ก ๐ฝ๐๐๐๐๐ก๐ ๐. ๐ธ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐โ ๐๐โ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐ก๐ฆ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ Sa Ikot ng mundo, hindi umuiikot sa iisang sitwasyon ang buhay ng tao. Sa buhay tayo mismo ang guguhit ng ating kapalaran, tayo ang pipili ng destinasyon na ating pipiliin. Bilang guro, isang malaking hamon sa bawat g...
๐๐: ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐ข๐ก
๐ฝ๐๐๐๐๐ก๐ ๐. ๐ธ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐โ ๐๐โ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐ก๐ฆ ๐ท๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐
Sa Ikot ng mundo, hindi umuiikot sa iisang sitwasyon ang buhay ng tao. Sa buhay tayo mismo ang guguhit ng ating kapalaran, tayo ang pipili ng destinasyon na ating pipiliin. Bilang guro, isang malaking hamon sa bawat guro ang dinadagok para maitaguyod ang maayos at kalidad na edukasyon. Ang simoy ng hangin na tila di mawari sa init habang ang lahat ay nagtuturo sa mga silid, bitbit ang masisining na gamit sa ikagaganda ng talakayan. Isa pang hinaing ang butas ng bulsa sa kakarampot na salapi ang bitbit mula sa pagod at pawis na kinakaya sa buong buwan ng pakikibaka. Ngunit hindi titigil sa tayog ng ningning mula sa katatagan para sa ating mga kabataan. Hirap man sa mga karanasan katumbas parin ang ngiting di matutumbasan dahil kabataan ay galak at tuwa habang natututo sa paaralan.
Ang buhay ay tulad ng lapis, sa pamamagitan ng lapis ginuguhit natin sa ating mga palad ang tagumpay na dapat makamtan. Hindi man tayo perpekto sa lahat ng oras at pagkakataon, darating sa punto na tayo ay madadapa o magkakamali pero huwag nating kalilimutan na kaakibat ng lapis ay may pambura na syang tutulong upang itama tayo sa ating pagkakamali. Tulad ng tao mayroon tayong karamay na syang sandigan sa lahat ng oras kung kailangan, upang makamit ang tuwa at maayos na resulta sa lahat ng ginagawa. Gawin nating halimuyak ang ating mga ngiti sa ating gampanin sa buhay, tayo ay patatatagin ng pagsubok upang masungkit ang inaasam na tagumpay na hiling ng ating buhay. Mga ngiting masisilayan ng ating mga mag-aaral na sya ring magpapagaan ng kanilang pasanin din sa buhay.
Sa pagod kalabaw na gawa at kilos ng mga guro, silaโy masiyahin na tila walang unos ang iparirinig sa mga giliw na munti. Ipararamdam sa kabataan ang lakas na ano mang hirap ng buhay nandito ang mga guro na aalalay at makikinig sa dilim ng mag-aaral. Handing samahan, iparamdam at itama ang mga pagkakamali dahil itong lapis ang syang silbi bilang giya sa tatahakin ng mga kabataan bilang susunod na pag-asa ng ating bayan, kaming mga guro ay naniniwala na ang โkabataan na may mabuti, at patuloy na pinatatag ng pagsubok ay syang sinag at tanglaw sa pag-ahon sa pagbabago ng kinabukasanโ. Kayaโt tayong guro, huwag tayong sumuko, ilagay natin sa ating mga palad ang paghulma ng maayos at maaasahang mga kabataan. Harapin natin ang mga pagsubok na may dangal at katatagan dahil tayo ang daan, susi sa pagkamit ng kanilang maayos at masaganang kinabukasan. Huwag nating kalimutan kung saan tayo nag-umpisa at nagsimula, gawin itong sangkap upang mas lalo pa natin itong mas mapa-unlad at mas mapabuti ang ating mga sarili sa ating mga trabaho.
Sa Lapis na syang kakatawan sa ating daan, kung saan ating pinili upang maging ating mapa. Ito ang magsisilbing daluyan ng ating kapalaran, at sa bawat landas na ating tinatahak sa ano mang pagsubok ang dumating, tayo ay madapa nariyan ang pambura na syang magiging leksyon upang matuto sa mga bagay na hindi magandang mga naganap. Marami pang magaganap sa hinaharap, marami pang bagay ang magagawa sa ating piniling landas, maraming panibagong matututunan at kaalaman. Ang pagbabahagi, pagtulong sa ano mang oras ang isa sa dapat gawin dahil tayong mga indibidwal ay binigkis upang maging malakas at maging sandigan ng sino man upang makamit ang mga hangarin at layunin ng Samahan. Ang bawat leksyon na ito ang magpapatatag dahil ika nga, kinakailangan nating maging MATATAG para sa Bansang Makabata, Batang Makabansa.
๐
ด๐
ฝ๐
ณ
๐๐. ๐๐ฉ๐ช๐ด ๐ฑ๐ข๐จ๐ฆ ๐ช๐ฏ๐ท๐ช๐ต๐ฆ๐ด ๐ข๐ญ๐ญ ๐ต๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฏ๐ฐ๐ฏ-๐ต๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ญ, ๐ญ๐ฆ๐ข๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฐ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ด๐ต๐ข๐ฌ๐ฆ๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด ๐ต๐ฐ ๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ช๐ณ ๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ฆ๐ด, ๐ฏ๐ฆ๐ธ๐ด, ๐ง๐ฆ๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ๐ด, ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ฐ๐ฏ๐ด, ๐ฑ๐ฐ๐ฆ๐ฎ๐ด, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฐ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ด ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ด๐ช๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐ฑ๐ข๐จ๐ฆ, ๐๐ฆ๐ฑ๐๐ฅ ๐๐ข๐ณ๐ข๐จ๐ขโ๐ด ๐ฐ๐ง๐ง๐ช๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐ธ๐ฆ๐ฃ๐ด๐ช๐ต๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฏ๐ฆ๐ธ๐ด๐ญ๐ฆ๐ต๐ต๐ฆ๐ณ๐ด. ๐๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฎ๐ถ๐ด๐ต ๐ฃ๐ฆ ๐ธ๐ณ๐ช๐ต๐ต๐ฆ๐ฏ ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ข๐ต (๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ฑ๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ด) ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ท๐ช๐ข ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ช๐ญ ๐ข๐ต ๐ฝ๐ฎ๐_๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ@๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ฑ.๐ด๐ผ๐.๐ฝ๐ต
