Skip to content
Official DepEd Caraga website
𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏
News
Gender and Development

𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏

Oct 18, 2022 - 1 minute read

𝙽𝚒: 𝙻𝙾𝙳𝙸𝚅𝙸𝙲𝙾 𝙲. 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙸𝙶 𝚃𝚎𝚊𝚌𝚑𝚎𝚛 𝙸𝙸 𝙷𝚒𝚗𝚊𝚝𝚞𝚊𝚗 𝙽𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚊𝚕 𝙲𝚘𝚖𝚙𝚛𝚎𝚑𝚎𝚗𝚜𝚒𝚟𝚎 𝙷𝚒𝚐𝚑 𝚂𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕 𝚂𝚞𝚛𝚒𝚐𝚊𝚘 𝚍𝚎𝚕 𝚂𝚞𝚛 𝙳𝚒𝚟𝚒𝚜𝚒𝚘𝚗 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗺𝗽𝘂'𝘁 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼’𝘆 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘁𝘂𝗿𝗼 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗺𝗲𝗱𝘆𝗼 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿). 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘀𝘁𝘂𝘀𝗶𝗻...

𝙽𝚒: 𝙻𝙾𝙳𝙸𝚅𝙸𝙲𝙾 𝙲. 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙸𝙶 𝚃𝚎𝚊𝚌𝚑𝚎𝚛 𝙸𝙸 𝙷𝚒𝚗𝚊𝚝𝚞𝚊𝚗 𝙽𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚊𝚕 𝙲𝚘𝚖𝚙𝚛𝚎𝚑𝚎𝚗𝚜𝚒𝚟𝚎 𝙷𝚒𝚐𝚑 𝚂𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕 𝚂𝚞𝚛𝚒𝚐𝚊𝚘 𝚍𝚎𝚕 𝚂𝚞𝚛 𝙳𝚒𝚟𝚒𝚜𝚒𝚘𝚗 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗺𝗽𝘂'𝘁 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼’𝘆 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘁𝘂𝗿𝗼 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗺𝗲𝗱𝘆𝗼 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿). 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘀𝘁𝘂𝘀𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝘀𝗮𝗵𝗶 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗱𝗲𝗽𝗲𝗻𝗱𝗲 𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴. 𝗞𝗮𝘆𝗮, 𝗻𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴 𝗼𝗽𝗲𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹-𝗛𝗡𝗖𝗛𝗦 𝗔𝗻𝗻𝗲𝘅, 𝗮𝗸𝗼’𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗜𝗦 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴 𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗮𝘆 𝗱𝘂𝗼𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗴 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻. Dalawa kaming guro nang nagsimula ang Roxas NHS. Siya ang tagapayo sa second year level at ako naman sa first year level. Kumbaga, walong subjects ang tinuturo namin araw-araw. Mahirap, kasi walang pahinga at walang sahod na inaasahan ngunit masaya kami sa aming pagtuturo. Kalaunan, nadagdagan kami ng dalawa ngunit naging permanent teacher na yung una kung kasama at napunta sa ibang school. Ako at dalawa kung kasama na bago ay patuloy pa rin sa pagtuturo ng walang hinihintay na sahod. Ngunit, dumating ang mga araw na tila mahirap na ang sitwasyon. Minsan, di kami nakapagturo kasi walang pamasahi papunta sa school o di kaya’y walang magamit sa pagtuturo at personal na pangangailangan. May isang pagkakataon na ako lang mag-isa ang naiwan sa paaralan. Nahirapan ako kung paano ko turuan ng sabay-sabay ang dalawang grade levels sa walong asignatura nila. Ang ginawa ko ay bigyan ng activity ang first year habang ako'y nagklasi sa second year at vice versa. Ang problemang ito ay sinangguni namin sa Brgy. Captain at agad naman inaksyunan. Ang mga magulang ng estudyante din namin ay nag ambagan para mabigyan kami kahit kunti man lang. Amin tung’ tinanggap ng buong puso at pasasalamat. Ilang buwang lumipas, tinanggap ako sa LGU bilang honorarium paid ngunit dalawang paaralan ang aking tinuturuan. Sa umaga, nagtuturo ako sa Roxas National High School at pagkatapos bumiyahi ako patungo sa Hinatuan National Comprehensive High School para sa panghapon ko na mga subjects. Di madali ang sitwasyong ito lalo na tuwing umuulan at minsan matagal dumaan ang pampublikong sasakyan. Kadalasan, hindi ako nakakain ng maayos tuwing tanghali dahil kulang na sa oras at baka kasi malate na ako sa first subject ko sa hapon. Isang taon ang ganitong sitwasyon bago ako’y naging permanent teacher sa DepEd noong March 2012. Di madali ang pumasok sa DepEd ngunit masaya ako sa mga naranasan ko dahil ito ang nagpapatunay kung gaano ako katatag na abutin ang pangarap ko. At masasabi ko, na noong 2011 hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagmamahal ko sa aking trabaho at nagpapasalamat ako sa dami ng oportunidad na binigay sa akin tulad ng isang pagiging DepEd scholar sa Teacher Certificate Program in Science sa Saint Paul University Surigao, Palarong Pambansa coach, National passer sa Level 3 Coach in Athletics, coaching awards both academics and sports, different trainings and workshops, iba't ibang mga committees at designations, at sa kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa Philippine Normal University-Manila bilang Scholar ng NEAP- LisQuP. Maraming salamat DepEd. Dahil sa inyo, marami akong natutunan, marami ding estudyante ang aking napaghatiran ng kaalaman hindi lamang sa agham at matematika kundi sa reyalidad ng buhay na naging motibasyon nila para magsumikap at abutin ang mga pangarap. Dahil din sa inyo, napag-aral ko ang aking mga kapatid at natulungan ko ang aking pamilya. 🅴🅽🅳 NB. 𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒑𝒂𝒈𝒆 𝒊𝒏𝒗𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒍𝒍 𝒕𝒆𝒂𝒄𝒉𝒊𝒏𝒈, 𝒏𝒐𝒏-𝒕𝒆𝒂𝒄𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒏𝒆𝒍, 𝒍𝒆𝒂𝒓𝒏𝒆𝒓𝒔, 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒏𝒆𝒓𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒔𝒕𝒂𝒌𝒆𝒉𝒐𝒍𝒅𝒆𝒓𝒔 𝒕𝒐 𝒔𝒉𝒂𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔, 𝒏𝒆𝒘𝒔, 𝒇𝒆𝒂𝒕𝒖𝒓𝒆𝒔, 𝒐𝒑𝒊𝒏𝒊𝒐𝒏𝒔, 𝒑𝒐𝒆𝒎𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒘𝒐𝒓𝒌𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒏 𝑫𝒆𝒑𝑬𝒅 𝑪𝒂𝒓𝒂𝒈𝒂’𝒔 𝒐𝒇𝒇𝒊𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒘𝒆𝒃𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔. 𝑨𝒓𝒕𝒊𝒄𝒍𝒆𝒔 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒃𝒆 𝘄𝗿𝗶𝘁𝘁𝗲𝗻 𝒊𝒏 𝒂𝒏 𝒆𝒅𝒊𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒇𝒐𝒓𝒎𝒂𝒕 (𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒑𝒊𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆𝒔) 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒆𝒏𝒕 𝒗𝒊𝒂 𝒑𝒓𝒊𝒗𝒂𝒕𝒆 𝒎𝒆𝒔𝒔𝒂𝒈𝒆 (𝑷𝑴) 𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒐𝒓 𝒆𝒎𝒂𝒊𝒍 𝒂𝒕 𝗽𝗮𝘂_𝗰𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮@𝗱𝗲𝗽𝗲𝗱.𝗴𝗼𝘃.𝗽𝗵

Related posts