๐ฝ๐: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ. ๐บ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐-๐ธ๐ธ๐ธ โ ๐ณ๐๐ด๐ด๐๐ผ๐ฝ๐ท๐
๐ณ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐
๐ฆ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ผ๐๐ฒ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป. ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ป๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฏ๐๐ป๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐๐ต๐ถ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐.
Sa isang makabagong salinlahi, masasabing napabilang si Carmila. Isa siyang karaniwang dalaga na naghahangad na makalaya sa kahirapang gumagapos sa kanyang pamilya. Sa Isla ng Dinagat siya lumaki at nagkaisip, sa piling ng kanyang mga magulang at tatlong kapatid. Pangalawa siya sa kanilang magkakapatid. Walang trabaho ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay namamasada lamang ng motorsiklo. Mabuti na kung makakapag-uwi ito ng tatlong daang piso sa bawat araw ng pamamasada at kung mamalasin ay uuwi itong pinakamalaki na ang isang daang piso.
Kahit mahirap ay pinayagan siya ng kanyang ama na makapagpatuloy ng kolehiyo sa kondisyong P200- P250 lamang ang kanyang lingguhang allowance sa dahilang dalawa sila ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki ang nag-aaral ng kolehiyo. Mahal na ang mga bilihin kaya kung tutuusin maliit na halaga lamang ito kumpara sa panggastos ng ibang mag-aaral. Hindi man niya alam ang maaaring mangyari at mga maaaring paggugulan ng salapi sa inilaang P200-P250 ay pumayag na rin siya dala ng matinding pagnanais na makapag-aral at makaahon sa kahirapan.
Kursong Edukasyon ang kinuha ni Carmila dahil ito lang ang may mababang matrikula sa kolehiyong kanyang pinasukan na matatagpuan sa lungsod ng Surigao. Ang kursong ito ay pangalawa lamang sa kanyang nais na maging isang police kahit na isa siyang babae. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang mag-enrol sa kursong edukasyon dahil ito lang ang malapit sa bulsa ng kanyang ama.
Habang nag-aaral ay pinagkakasya lamang ni Carmila ang halagang dalawang daan at limampung piso para sa kanyang isang linggong allowance. Ang halagang ito ay babawasan pa niya ng 100 piso para sa bigas na kanyang kakainin sa loob ng isang lingo, photocopy ng mga handouts para sa klase at ang natira ay para sa ulam na niya. Kung may maiiwan na 100 piso para sa ulam sa loob ng isang linggo ay masaya na siya.
Hindi naging madali ang kanyang pag-aaral dahil na rin sa kakapusan ng salapi at kung ibang mga mag-aaral lang siguro ang nasa kanyang kalagayan ay iisipin na lang na tumigil at maghanap na lang ng trabaho. Sa kabila ng kanyang sitwasyon ay hindi kailanman sumagi sa kanyang isip ang huminto sa pag-aaral dahil nakalatag na sa kanyang buong isipan ang mga katagang โKailangan kong makatapos ano man ang mangyariโ. Para sa kanya, walang puwang sa puso at isip niya ang pagsuko sa hamong kanyang kinakaharap.
May mga pagkakataong ang naiiwang isang daan para sa kanyang pang-ulam ay kinukulang dahil na rin sa mga di inaasahang bayarin sa paaralan. Tuyo, milo, noodles, bagoong at gulay ang kanyang salitang inuulam para mas makatipid. Minsan naman sa isang araw ay nakakabili siya ng sardinas na kanyang hinahati sa tatlo para sa agahan, pananghalian at hapunan. Sa mga pagkakataong sardinas ang kanyang ulam sa hapunan na tira mula sa kanyang agahan at pananghalian ay di niya maiwasang tumulo ang mga luha sa bawat subo ng kanin at ulam na tila nag-iba na ang lasa dahil na rin sa ilang oras na mula nang itoโy buksan sa lata. Saka lamang siya kumakain ng hapunan kapag tahimik na ang paligid sa kanyang inuupahang kwarto upang hindi makita ang pabalik-balik niyang ulam na kung makikita ng iba ay sasabihing ito ay panis na dahil sa malabnaw na sabaw na nakapalibot sa isang pirasong isda ng sardinas. Ang bawat paglunok ng kanyang pagkain ay tila isang parusa sa isang taong nangangarap ng gising. Bawat pagsubo ng kanin sa kanyang bibig ay siya namang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
โHanggang kailan ko kaya mararanasan ang ganitong buhay?โ Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
Patuloy pa rin ang ganoong buhay ni Carmila pagdating sa inuupahang kwarto ngunit wala naman itong pinagkaiba kapag siya ay nasa paaralan. Dahil walang pera para makabili ng snacks sa paaralan ay di siya sumasama sa mga kaklase sa oras ng break time dahil wala naman siyang pambili ng pagkain. Magiging kawawa lamang siya kung nakatingin lamang siya sa mga ito habang kumakain. Gustuhin man niyang makisalamuha o makisama sa mga kaklase niya ay nahihiya siya. Hindi lang naman siya ang mahirap sa kanilang klase pero ang karamihan ay talagang may kaya sa buhay o kaya ay may budget para pangmeryenda. Pang-ulam nga lang ay kinukulang na siya.
Tinanggap na ni Carmila na ganito ang kanyang magiging buhay sa loob ng apat na taon kung kanyang ipagpapatuloy ang kanyang mithiin. Ngunit may hahadlang ba sa isang pusong tigib ng pagnanasang makaalpas sa rehas na yumayakap sa kanyang pagkatao at siyang nagkakait sa sinumang dukha na maging malaya? Ang sagot ay makikita sa mga kilos at galaw ng isang dukhang punong-puno ng pag-asa katulad ni Carmila.
Hindi naging madali ang pagkamit ni Carmila ng tagumpay na inaasam-asam dahil sa loob ng apat na taon ay di birong pagtitiis at pagtanggap sa kalagayan ang kanyang laging isinaisip. Kasama na dito ang pagpasok sa paaralan na walang laman ang tiyan dahil na kapos sa budget, ang paghinigi ng ulam sa mga kasama niya sa bahay at pangungutang sa kung sino man ang pwede niyang mautangan para may pambayad sa mga kakailanganin sa paaralan. Gustuhin man niyang humingi pa ng pera sa ama ay batid naman niyang kulang din ang pera ng ama para panggastos sa araw-araw kaya ay pinagkakasya na lamang niya ang perang ibinibigay sa kanya ng ama.
Lumipas ang apat na taon na hindi niya alintana ang mga paghihirap. Nakapagtapos siya at nagkamit ng medalya. Siya ay natapos sa kursong edukasyon at bunos na ang pagiging Cum Laude niya. Sa panahon ng pagtatapos, hindi niya mapigilang tumulo ang luha dahil sa wakas ay may kongkreto nang sukli ang lahat ng kanyang paghihirap. Nagbunga na rin ang lahat ng kanyang pagtitiis at nakamit na niya ang hinahangad na bahagi ng tagumpay at dahil dito isang bagong simula na naman ang kanyang kakaharapin.
Hindi pa man lubusang matagumpay na matatawag ang pagkamit ni Carmila ng diploma at medalya, ito naman ay nagbukas sa isang panibagong pagkakataon upang mabuksan ang rehas ng kahirapan na nakapalibot sa karamihan ng mga mamamayan sa Pilipinas. Kaunting hakbang pa at malalasap na din niya ang katas ng mga pagtitiis at paghihirap na dinanas niya sa paglalakbay patungong tagumpay. Mabubuksan na rin sa wakas ang pinto patungo sa kanyang pangarap.
๐ ด๐ ฝ๐ ณ
ย
๐๐. ๐๐ฉ๐ช๐ด ๐ฑ๐ข๐จ๐ฆ ๐ช๐ฏ๐ท๐ช๐ต๐ฆ๐ด ๐ข๐ญ๐ญ ๐ต๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฏ๐ฐ๐ฏ-๐ต๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ญ, ๐ญ๐ฆ๐ข๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฐ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ด๐ต๐ข๐ฌ๐ฆ๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด ๐ต๐ฐ ๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ช๐ณ ๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ฆ๐ด, ๐ฏ๐ฆ๐ธ๐ด, ๐ง๐ฆ๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ๐ด, ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ฐ๐ฏ๐ด, ๐ฑ๐ฐ๐ฆ๐ฎ๐ด, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฐ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ด ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ด๐ช๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐ฑ๐ข๐จ๐ฆ, ๐๐ฆ๐ฑ๐๐ฅ ๐๐ข๐ณ๐ข๐จ๐ขโ๐ด ๐ฐ๐ง๐ง๐ช๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐ธ๐ฆ๐ฃ๐ด๐ช๐ต๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฏ๐ฆ๐ธ๐ด๐ญ๐ฆ๐ต๐ต๐ฆ๐ณ๐ด. ๐๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฎ๐ถ๐ด๐ต ๐ฃ๐ฆ ๐ธ๐ณ๐ช๐ต๐ต๐ฆ๐ฏ ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ข๐ต (๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ฑ๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ด) ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ท๐ช๐ข ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ช๐ญ ๐ข๐ต ๐ฝ๐ฎ๐_๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ@๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ฑ.๐ด๐ผ๐.๐ฝ๐ต