๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Nov 2, 2022 - 1 minute read
๐ฝ๐: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ. ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐ธ ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ด๐ผ ๐ธ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐๐ต๐ถ๐ถ๐ป, ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐บ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป. I Limang taon ang nakaraan nang sekondarya koโy natapos,...
๐ฝ๐: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ. ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐ธ ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฎ๐ด๐ผ ๐ธ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐๐ต๐ถ๐ถ๐ป, ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐บ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป.I
Limang taon ang nakaraan nang sekondarya koโy natapos, Kolehiyoโy di natuloy sapagkat kami ay nakapos; Mundo koโy gumuho sa akalang pangarap ay naudlot, Kaya nagpasyang sa dagat ng hirap ay pumalaot.
II
Natagpuan ko ang aking sarili sa ilalim ng bahay na bato, Hindi upang maging panauhin kundi upang maging isang alipin; Hirap ng gawain, hindi ko alintanaโt ayokong isipin, Sapagkat pagdurusa koโy may katapusan din kung iisipin.
III
Yaya kung tawagin, magbantay ng sanggol ang ibig sabihin; Doon ko natutunan hirap na dinanas ni ina sa aking piling; Magpaheleโt magpalit ng lampin ang paulit-ulit kong gawain, Kaya naisaisip ko, mithiin ay kamtin bago maging isang inahin.
IV
Napadpad ulit ako sa isang bahay na kongkreto; Doon naging katulong, lahat ng Gawain sa akin ibinunton; Paltos at paso ang inabot sa paglaba at pagluto, Gawaing hindi ko kalian man pinangarap na isapuso.
V
Luha koโy unti-unting pumatak sa landas na aking tinahak, Pagkat gawaiโy hindi kabilang sa pangarap na aking binalak; Kapag nakakita ng estudyante, sa puso inggit ang namamayani, Kaya tanong ko, kalian ba ako magiging isang taong prominente?
VI
Taon na naman ang lumipas, pasukan ay agad dumating; Nag-usap kami ni ama tungkol sa aking mithiin; Si ama ay nagbanggit, โmag-aral kaโt pangarap ay abutin, Magsisikap ako para sa kinabukasan moโt gustong marating.
VII Tuwa at galak ang aking nadama sa pasya ni ama; Pumasok ako sa isang pinto na may galak sa puso; Pintong naging daan sa pagkamit ng sariling pangako, Ngunit tadhanaโy sadyang mapaglaro at napakatuso.
VIII
Ako ay natukso at nagnobyo ng patago; Salita ni amaโy kinalimutan na parang isang bolang naglaho; Ngunit sa kasamaang palad, ginawa koโy kanyang nabuko, Kaya galit nitong si ama, animoโy isang ipu-ipo.
IX
Tumigil ka! Paghinto ang sayoโy dapat iparusa; Hindi mo ba alam? Pagod at hirap ay aking kinaya Para lang ikaโy maging isang huwaraโt edukada; Ngunit ito pala ang sukli mo sa akin ay pagkadismaya?
X
Ako ay lumuha at agad sa kanyaโy nagmakaawaโ โAma, patawarin moโt tiwala moโy binalewala, Isa pa po sana, isa pa aking ama; Hayaan moโt kapirasong papel sayoโy igagantimpla.
XI
Ako ay nagsumikap at iniwasang muling malingap; Pagkakataoโy iningatan sapagkat kung tutuusin napakailap; Ang hamon ni Amaโy muli kong hinarap, Para lang papel na pangarap ay kanyang matanggap.
XII
Sa awa ng Diyos lahat ay aking kinaya; Apat na taon ay hindi ko alintana, Kaya ang pagtatapos kong itoโy alay ko kay ama, Sana ngayoโy lubha kang Masaya.
XIII
Sa aking pag-akyat sa makinang na entablado, Ang laging nasa puso, ikaw na aking idolo; Hayaan moโt medalyaโy isasabit ko sayo, Bilang pagtupad sa aking naturang pangako.
XIV
Tanggapin mo sana papel na aking gantimpala, Bilang pasasalamat sa walang humpay mong pagtitiwala; Sa sandaling ito, nais kong marinig mo sana, Maraming-maraming salamat, aking mahal na Ama.
๐ ด๐ ฝ๐ ณ NB. ๐ป๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐ฌ๐ ๐ช๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ฒ๐ป ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐) ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐ท๐ด) ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐_๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ@๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ฑ.๐ด๐ผ๐.๐ฝ๐ต