πππππππππ, πππππ ππ ππππππ
Apr 25, 2024 - 1 minute read
ππ: ππππππ π΄. πππππππ‘π π΅π’π‘π’ππ πΆππ‘π¦ πππππππ πΈππ’πππ‘πππ πΆπππ‘ππ Tanaw ni Aling Deling mula sa kusina ang anak niyang si Nening na malayo ang tingin habang nakaupo sa lumang upuang yari sa kawayan. Bakas sa mukha ang kalungkutan kung kaya ay napahinto si Aling Deling sa kaniyang ginagawa. βNening, m...
ππ: ππππππ π΄. πππππππ‘π
π΅π’π‘π’ππ πΆππ‘π¦ πππππππ πΈππ’πππ‘πππ πΆπππ‘ππ
Tanaw ni Aling Deling mula sa kusina ang anak niyang si Nening na malayo ang tingin habang nakaupo sa lumang upuang yari sa kawayan.
Bakas sa mukha ang kalungkutan kung kaya ay napahinto si Aling Deling sa kaniyang ginagawa.
βNening, may problema ka ba anak? Nais mo bang ipaalam ito sa akin nang ikaw ay aking matulungan?β usisang tanong ni Aling Deling sa anak. Nag-aalangan man si Nening pero sinimulan niyang ibinahagi ang kaniyang naging karanasan sa paaralan.
βInay, nalulungkot po ako kasi nagkaroon po ng oral recitation ang aming guro sa Filipino. Hinikayat kaming lahat na magbahagi ng karanasan tungkol sa paksang yamang ibinahagi ng mga magulang sa mga anak,β pagkukuwento ni Nening sa kaniyang ina.
βO, anoβng naging problema anak?β tanong ni Aling Deling. βNaiinggit po ako sa aking mga kaklase Inay dahil ang yayaman nila. Isa-isa po silang nagbahagi ng kanilang yaman. May kaklase po akong nagsabi na binilhan siya ng kaniyang mga magulang ng mga laruang gusto niya,β pagbabahagi ni Nening sa ina.
βMay nagpakita rin ng kaniyang bagong damit at sapatos. Regalo raw iyon ng kaniyang nanay at tatay,β dagdag niya. Bukas, ako na naman ang magbabahagi sa klase ngunit wala akong mga bagay na meron sila dahil mahirap lang naman tayo,β pag-aalala ni Nening.
Niyakap nang mahigpit ni Aling Deling si Nening. Sinimulan niyang pawiin ang kalungkutan na nadarama ng kaniyang anak. βHuwag kang mag-alala Nening, si Nanay ang bahala saβyo,β masiglang tugon ni Aling Deling sa anak.
Tinungo nila ang kusina. Amoy na amoy ni Nening ang bango ng malinamnam na Palagsing. βWow, salamat Inay sa Palagsing na mainit-init pa! Ito ang paborito kong meryenda na niluluto ninyo,β sambit ni Nening.
βAlam mo ba anak ang pagluluto ng Palagsing ang bumuhay sa amin noon at magpahanggang ngayon. Dahil sa Palagsing, naibibigay namin ang mga pangangailangan ninyong magkakapatid sa araw-araw. Natutustusan din namin ang inyong pag-aaral,β paliwanag ni Aling Deling.
βNakikita mo ba ang listahang papel na nakadikit sa ating dingding. Ang mga iyan ang talaan ng mga taong nais mag-order sa atin ng paborito mong Palagsing. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, dumating ang lima pa nilang kapitbahay. βSalamat naman at dumating kayo. May katulong na ako sa paghahanda ng mga sangkap ng lulutuin nating Palagsing. Marami ang umorder kaya simulan na ang pagluluto,β wika ni Aling Deling.
Ipinakita ni Aling Deling sa anak ang wastong pamamaraan ng pagluluto ng Palagsing. Ito ay isang suman na gawa sa βunawβ o starch mula sa sago palm. May sangkap din itong sariwang buko mula sa kanilang bakuran at pulang asukal.
Masayang pinagmasdan Nening ang kaniyang nanay at ang tulong-tulong na magkakapitbahay na naghahalo ng mga sangkap ng Palagsing gaya ng unaw, buko, at pulang asukal. Ang pinaghalong mga sangkap ay binalot sa dahon ng saging. Inilagay ang mga ito sa kalderong may tubig, at pinakuluan sa loob ng 30 minuto.
Habang abala ang lahat, tinungo ni Aling Deling ang lumang aparador at kinuha ang album. Ipinakita niya ito kay Nening. βAnak, halika at tingnan mo itong hawak kong album na naglalaman ng mga kuhang litrato ng mga naging suki ng ating Palagsing. Nakatutuwang pagmasdan ang mga litratong ibinibida sa ibaβt ibang handaan ting espesyal na Palagsing,β pagmamalaki ni Aling Deling.
βKahit sa pagtitipong pampaaralan gaya ng Buwan ng Wika, halos lahat ng mga guro ay umoorder sa ating espesyal na Palagsing,β dagdag nito. Sa gitna ng kanilang pag-uusap dumating si Mang Pedring upang kunin ang inorder niyang 50 pirasong Palagsing. Ipampasalubong niya ito sa kaniyang kamag-anak at mga kaibigan sa Maynila. βMaraming salamat Mang Pedring sa paulit-ulit na order,β pasasalamat ni Aling Deling kay Mang Pedring.
βAko nga ang dapat magpasalamat saβyo Deling dahil ang Palagsing na luto mo ang kinasasabikang pasalubong ng aking mga kaanak kapag lumuluwas ako rito sa Butuan,β tuwang-tuwang wika ni Pedring.
Unti-unting napagtanto ni Nening ang nais niyang ibahaging kuwento sa klase. βNay, alam ko na po. Napakagandang kuwentong yaman ng magulang ang ibabahagi ko sa aming klase bukas,β naibulalas ni Nening. Gulat man si Aling Deling sa winika ng anak hinayaan niya itong magsalita.
βInay, pasensiya na po kayo. Nalungkot po ako kanina dahil akala ko wala na akong maibabahaging kuwento para bukas. Pero ngayon sabik na akong magkuwento,β masayang wika ni Nening.
βAno naman ang ikukuwento mo sa kanila anak?β usisang tanong ni Aling Deling. βIto ay kuwentong Palagsing na kung saan ang resipe ni Nanay ang bida!βmasayang tugon ni Nening.
Natuwa si Aling Deling sa kaniyang narinig mula sa anak. Aniya, ang yaman ng tao ay hindi lamang tungkol sa mga bagay na gusto mo kundi sa mga bagay na mas mahalaga sa iyo gaya ng masustansiyang Palagsing na siyang daan upang magkaroon ng mapagkakakitaan at matulungang makapaghanapbuhay ang magkakapitbahay. Dagdag na rin ang kasiyahang dulot nito sa taong nabigyan ng Palagsing na pasalubong. βNay, handa na po ako sa kuwentong Palagsing, Yaman ni Nening.,βΒ masayang wika niya habang yakap-yakap si Aling Deling.