Skip to content
Official DepEd Caraga website
𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐆𝐀𝐍𝐎𝐍
News
Sidlak Alimpatakan

𝐀𝐓𝐋𝐄𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐆𝐀𝐍𝐎𝐍

Jul 24, 2023 - 1 minute read

𝘉𝘺 𝘞𝘦𝘭𝘮𝘢𝘳 𝘓𝘢𝘰𝘳𝘥𝘦𝘯 𝘛-𝘐𝘐𝘐, 𝘔𝘈𝘌𝘥 𝘊𝘢𝘣𝘢𝘥𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘕𝘏𝘚 𝘊𝘢𝘣𝘢𝘥𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 Sa pagdilat ng mga mata makikita ang liwanag na dumarampi sa labi ng bawat-isa. Tirik ang sikat ng araw na may dalang direksyon. Sa bawat silid talas nitoy abot ang paroroonan. Kasabay ng bagwis at huni ng mga ibong nag...

𝘉𝘺 𝘞𝘦𝘭𝘮𝘢𝘳 𝘓𝘢𝘰𝘳𝘥𝘦𝘯 𝘛-𝘐𝘐𝘐, 𝘔𝘈𝘌𝘥 𝘊𝘢𝘣𝘢𝘥𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘕𝘏𝘚 𝘊𝘢𝘣𝘢𝘥𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 Sa pagdilat ng mga mata makikita ang liwanag na dumarampi sa labi ng bawat-isa. Tirik ang sikat ng araw na may dalang direksyon. Sa bawat silid talas nitoy abot ang paroroonan. Kasabay ng bagwis at huni ng mga ibong nagliparan sa himpapawid na may dalang pag-asa. Mula sa makulimlim na panahon na naging hamon sa mga mukhang may galak sa gantimpalang makakamtan hanggang sa pagpikit ng mata na animoy pahingang nakahimlay sa bukang liwayway na naririnig ang hampas ng alon sa karagatan at ingay ng kagubatan sa tengang may minimithing tagumpay. Sa lakas, talino at disiplina ganyan ko mailalarawan ang batang matatag, Ang Atletang Caraganon. Atleta, sa palakasan silay naging bayani. Mula sa pasiklabang likas ang kakayahang matalas sa pag-iisip, may dangal at sa ibang anyong pisikal na kinakailangang linangin dala ang disiplinang bigkis sa bawat isa. May tamang gabay at layuning iisa ang paroroonan, coaches na naging tagapaghubog nila sa pagkamit ng totoong tagumpay na walang halong pagdududa sa natatangi nilang manlalaro. Bitbit ang kaaya-ayang ugali, hindi mayabang, pantay at marunong rumespeto kahit manalo man o matalo, dangal ng bawat sangay sa rehiyong puno sa talento at sa mga dalubhasa sa larangan ng isports, tiyak aani ng napakaraming medalya. Maging sa pag-eensayo silay hindi magpapahuli sa positibong dala tiyak medalyang gintoy maiuuwi. Mga pawis na nakadaloy sa buong katawan natuyo sa kanilang kasuotan mula sa pagkababad sa init ng araw. Mga batang uhaw sa kaalaman at gutom sa kaunlaran ang naging pundasyon ng ilan para sa paglikom ng mga pamamaraang mailapat sa nasabing palakasan. Naging daan ito sa pagkakaroon ng isang malusog at determinadong atleta. Pagsusunog ng kilay para sa kanilang pasulit katumbas ng madugong labanan na sa palakasay makikita at maisasabuhay. Sa larangan ng isports, tayoy hindi nagpapahuli. Ugnayan ng bawat isay napaigting. Higit rito, nalilinang at pinapayaman ang gampaning panlipunan ng isang indibidwal. Nabibigyan ang lahat ng pagkakataong maipakita ang kanilang galing sa palakasan. May kaakibat na responsibilidad na sa pag-eensayo palang makikita ang ugali ng pagka-Pilipino. Ano man ang kulay o anyo ang lahat ay pantay at may karapatang lumipad dala ang tamang pakpak(gabay) at kulturang, Atletang Caraganon. 🅴🅽🅳 𝘕𝘉. 𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘱𝘢𝘨𝘦 𝘪𝘯𝘷𝘪𝘵𝘦𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘯𝘰𝘯-𝘵𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘯𝘦𝘭, 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘦𝘳𝘴, 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘯𝘦𝘳𝘴, 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘴𝘵𝘢𝘬𝘦𝘩𝘰𝘭𝘥𝘦𝘳𝘴 𝘵𝘰 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴, 𝘯𝘦𝘸𝘴, 𝘧𝘦𝘢𝘵𝘶𝘳𝘦𝘴, 𝘰𝘱𝘪𝘯𝘪𝘰𝘯𝘴, 𝘱𝘰𝘦𝘮𝘴, 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘭𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘸𝘰𝘳𝘬𝘴 𝘧𝘰𝘳 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘱𝘢𝘨𝘦, 𝘋𝘦𝘱𝘌𝘥 𝘊𝘢𝘳𝘢𝘨𝘢’𝘴 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘸𝘦𝘣𝘴𝘪𝘵𝘦, 𝘢𝘯𝘥 𝘯𝘦𝘸𝘴𝘭𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳𝘴. 𝘈𝘳𝘵𝘪𝘤𝘭𝘦𝘴 𝘮𝘶𝘴𝘵 𝘣𝘦 𝘸𝘳𝘪𝘵𝘵𝘦𝘯 𝘪𝘯 𝘢𝘯 𝘦𝘥𝘪𝘵𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵 (𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘳𝘦𝘭𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘱𝘩𝘰𝘵𝘰𝘴) 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘦𝘯𝘵 𝘷𝘪𝘢 𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 𝘢𝘵 𝗽𝗮𝘂_𝗰𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮@𝗱𝗲𝗽𝗲𝗱.𝗴𝗼𝘃.𝗽𝗵

Related posts